Ano ba kompyuter? ito ay isang gamit pang teknolohiya na ginagamit upang gumawa ng mga dokumento, magpasa ng impormasyon, gawin ang mga transaksyon, at makipag komunika sa iba pang mga tao, marahil na importante sa bawat tao na matutong gumamit ng komputer lalo na sa panahon ngayon na kung saan ang teknolohiya ay unti-unting lumalago.
Paano Bubuksan Ang Kompyuter?
- isaksak ang DVI at VGA sa monitor at CPU
- isaksak ang saksakan ng monitor
- isaksak ang saksakan ng CPU
- pindutin ang power button ng CPU
- pindutin ang power button ng monitor
- isaksak ang USB ng mouse sa CPU
- isaksak ang USB ng keyboard sa CPU
- isaksak ang pula, berde at USB port ng headset sa CPU
Kung bago sa iyo ang gumamit ng kompyuter, marahil ay nagtataka ka kung paano gamitin ito. Bukod sa kung paano maayos bubuksan ang kompyuter, mahalagang malaman mo rin kung paano gamitin ang window desktop ng iyong kompyuter.
Ano ang window desktop?
Dito makikita ang mga bagay na makikita sa screen ng computer na magdadala sa iyo sa iba't ibang sistema sa loob ng computer.
- Start button - ang ilan sa mga pangunahing mga icon na makikita sa computer ay ang 'start button' kapag ito ay iyong pinindot, makikita mo ang applications sa iyong computer. katulad ng application sa paggawa ng dokumento, ang websites sa paghahanap ng mga impormasyon, ang buton sa pagpatay ng computer, ang settings, mga larawan, at iba pa.
- Icons - ito ay ang grupo ng mga icons na may sarili sariling gamit. Dito nakalagay ang mga gamit sa paghahanap ng impormasyon, ang recycle bin, at marami pang iba
- System tray - makikita sa kanang bahagi sa may bandang ibaba ng computer screen. pinapakita nito ang oras at ang estado ng iyong kompyuter
- Taskbar - makikita ibabang bahagi computer screen. pinapakita dito ang mga bukas na applications na kasalukuyan mong ginagamit
Paano gumamit ng mouse?
- hawakan ng maigi ang mouse
- gamitin ang hintuturong daliri sa pagpindot ng kaliwang pindutan sa mouse (kadalasang may pinaka malaking bahagi para makapunta sa bawat programs sa kompyuter)
- gamitin ang palagitnaang daliri sa pagpindot ng kanang pindutan ng mouse
- gamitin ang buong kamay sa pagkontrol ng direksyon ng mouse. mapapansin na kung saan dalhin ang mouse, doon din ang arrow sa screen pupunta. (tandaan na sa mouse pad lang ipapatong ang mouse)
Ano ang Computer Window?
Ito ay ang bahagi kung saan ginagamit upang ipakita ang mga programs, text files, larawan at iba pa. ito ay naglalaman ng minimize, maximize at close buttons. Ang gamit ng bawat buton ay ang mga sumusunod:
Sana ay may natutunan ka sa kung paano gumamit ng kompyuter. Ang pagkatuto sa mga bagong bagay ay magdadala sa iyo tungo sa paglago, at isa na dito ay ang pagkatuto mo sa paggamit ng kompyuter.
No comments:
Post a Comment